Episode 1 - PAMPAYAMAN - INCOME VS. EXPENSES BASICS

 

PAANO YUMAMAN?

Sir Pj

Episode 1: Income vs. Expenses Basics

 

Ang pagyaman ay walang shortcut (maliban na lang ung ikaw ay isang criminal). Kung mahirap ka ngayon, nais kong malaman mo na may pag-asa kang yumaman. Huwag ka na maninsi ung kung sino ang may kagagawan kung bakit ka mahirap. Baguhin mo yang buhay mo. Maging mayaman ka. Pero dapat, naiintindihan mo muna ang mga termeno na ginagamit sa mundo ng kaperahan. Simulan natin sa “income” at “expenses”.

 


INCOME VS. EXPENSES

Income – ang kabuuang halaga ng perang pumapaso sa iyong wallet. Ibig-sabihin nito, ito ay ang pinagsama-samang ita mula sa iyong suweldo sa trabaho, side hussles, Negosyo at iba pa.

Expenses - naman ang tawag sa mga perang lumalabas sa iyong wallet upang panggastos sa mga pangangailangan, agustuhan at kung anu-ano pa.

Sa madalit sabi, ang Income ay perang pumapasok, ang Expenses naman ay perang lumalabas.

Kung nais mong maging financially secure, kailangan mong malaman kung papaano kucontrollin ang pasok at labas ng persa sa iyong bulsa. Hindi porket marami kang pera ay gastos a na ng gastos.

Ayon sa isang financial expert, “It doesn’t matter how much you earn. It is how much you retain”. Oo nga naman. Kung isang daan ang perang pumasok sa wallet mo, pero isang daan din ang gagastusin mo? Wala ka paring natira sayo. Wala ka paring pera! Kung may nais ka pang bilhin, wala ka na pambili! Kaya naman kailangan nating pag-aralan ngayon ang tinatawag na Cashflow.

Ang cashflow ay ang pagdaloy ng pera papunta sa ating bulsa (income) at palabas sa ating bulsa (expenses). May dalawang klase ng cashflow. Ang una ay positive cashflow, ang pangalawa naman ay negative cashflow.

Sa positive cashflow, mas maraming pera ang pumapasok kaysa sa lumalabas. Ibig-sabihin, mas Malaki ang income kesa sa expenses. Para itong water jug kung saan 4 galon na tubig ang pumasok pero isang baso lamang lumalabas sa loob ng isang buwan. Bawat buwan, may pumapasok na panibagong 4 na gallon. Anong mangyayari? Marami pang matitirang tubig sa water jug bago pa man dumating ang panibagong rasyon ng tubig. Ano ang gagawin mo sa tubig na hindi pa naiinom? Itatatapon mo ba? Malamang, ito ay iiimbak mo sa drum! Ngayon, sa context ng pagyaman, isipin mo na ang tubig sa jug ay ang pera or income na pumapasok sa iyo. Kasama na un mga tubig sa drum. Edi ang dami mong pera diba? Yan ang positive cashflow. Kapag mas marami kang natirang pera dahil mas Malaki ang income mo kesa sa expenses, diyan ka yayaman.

Ang negative cashflow naman ay ang kabaliktaran lang ng positive cashflow. Ibig-sabihin, mas marami ang gastos kesa sa kita. Mas maraming binibili kesa sa pambili. Sa ating example kaninang water jug, ang tubig na pumapasok halimbawa ay isang baso lang. Pero ang kailangang inumin sa loob ng isang araw ay isang gallon. Kakasya ba ang tubig sa jug? Malamang hindi. Ano ang gagawin mo? Mangungutang ka ng tubig sa kapitbahay o di kaya, mag-iigib ka na naman in advanced. Kung ikukompara natin ang tubig sap era sa sitwasyong ito, hindi sasapat ang pera mo. Kaya ang ginawa mo para matugunan ang pangangailangan ay bumale sa iyong boss (suweldo) o di kaya ay umutang ka sa iyong kapitbahay. Ang tanong: Kelan mo iyon mababayaran e kulang nga ang income mo para sa iyong pang-araw araw na pangangailangan, diba?

CONCLUSION

Bago mo pangaraping yumaman, turuan mo muna ang iyong sarili na kontrolin ang iyong cashflow. Tandaan: Yayaman ka kapag mas maliit ang expenses mo sa iyong income. Sa susunod na episode, pag-uusapan natin kung paano controlling ang iyong cashflow. Don’t forget to subscribe para hindi ka mapag-iwanan.

 MORE

Comments